Business Victoria - start, run and grow your business
Business Victoria

Advanced Search

Business Victoria - Tagalog

Business Victoria

Business Victoria - Tagalog

Malugod na pagbati sa iyong pagbisita sa website ng Business Victoria.

Ang Kagawaran ng Pagbabago, Industriya at Pangrehiyong Pag-unlad (The Department of Innovation, Industry and Regional Development (DIIRD) ay isang nangungunang ahensiya ng Pamahalaang Victoria para sa pang-ekonomiya at pangrehiyong pag-unlad, na may pananagutan para sa pagtatayo ng mapagbagong Estado. Bilang bahagi ng pangako nitong magtaguyod ng pagbabago sa komunidad pangnegosyo, at magbigay ng mas mahusay na mga serbisyo sa pangrehiyong mga lugar, ang kagawaran ay nagpapanatili at nagpapatakbo ng website nito na tinatawag na Business Victoria.

Ang Business Victoria ang isang serbisyo sa internet na nagbibigay ng impormasyon sa mga nagmamay-ari ng negosyo o mga nagsisimula pa lamang na naghahanap kung saan magsisimula, bibili, mamamahala, mapapahusay o mapapaunlad ang isang maliit patungong katamtamang laking negosyo. 

Ito ay nagbibigay ng payo, mga reperal, pagkakataong makakuha ang mga kaloob o mga gantimpala, mga kagamitan upang matasa ang mga layunin at estratehiya ng iyong negosyo, kalendaryo ng mga kaganapan, isang kagamitang pang-internet upang matasa ang mga pangangailangan kaugnay ng lisensiya, mga direktoryo ng industriya at iba pang mga pagkakataon para sa pakikipag-ugnayan, at angkop na mga detalye ng pagkontak para sa mga ahensiyang pampamahalaan at mga organisasyon.   

Ang website ay may mga sumusunod na impormasyon sa wikang Tagalog:

Samantalang ang karamihang impormasyon ay nasa wikang Ingles, kinikilala ng DIIRD na ang mga Magkakaibang Kultura at Lengguwaheng Komunidad (Culturally and Linguistically Diverse (CALD) sa Victoria ay nakatutulong nang malaki sa ekonomiya ng Estado, at hinihimok ang mga Pilipinong residente na humingi ng mga pagsasaling-wika ng anumang bahagi ng website na business.vic.gov.au sa pamamagitan ng pagkontak sa :
Translating Interpreting Service or
VITS Language Link
13 22 15

Ang Yunit para sa Kwalipikasyon sa Ibayong-dagat

Nag-aalok ang Yunit para sa Kwalipikasyon sa Ibayong-dagat (OQU o Overseas Qualification Unit) ng mga pagtatasa sa kwalipikasyon sa mga propesyonal na migranteng permanenteng naninirahan sa Victoria. May magagamit na impormasyon sa kung gaano maaaring magtagal ang mga pagtatasang ito.



Text size: Reduce text sizeIncrease text size
Get Acrobat Reader
Who Can Help? - Business Victoria on 13 22 15 (local call cost, within Australia)
or + 61 3 9651 9999 (International)
Site Index